Nagfi-freeze o nagpapakita ng babala tungkol sa pagiging idle ang app sa Amazon Fire Stick. Ano ang dapat gawin?
Noong Marso 2024, idinagdag ng Amazon sa mga Fire Stick device ang Data Monitoring. Dahil dito, bilang default, nagpapakita ang device ng alerto na humihiling sa iyong kumpirmahing "nanonood" ka pa ng content kapag walang gumalaw sa device sa loob ng 4 na oras.
Maaaring manatili sa screen ang alerto nang hanggang 2 minuto. Karaniwan, patuloy na gumagana nang maayos ang app pagkatapos nito. Pero sa mga bihirang kaso, hindi nade-detect ng app ang alerto at hindi na ito bumabalik sa maayos na paggana.
Paano i-off ang alerto
- Sa Fire Stick, pumunta sa Settings.
- Pumasok sa Preferences.
- Piliin ang Data Monitoring.
- Sa opsyong Still Watching, piliin ang Off.
Tapos na: hindi na dapat lumabas ang alerto.